Wednesday, November 22, 2006

NPA, Nadudurog na!

Nagtatagumpay ang kampanya ng demokratikong gobyerno laban sa lokal na komunistang kilusan matapos na umabot sa 568 na kasapi at sympathizers ng New Peoples Army ang sumuko sa Northern at Central Luzon ngayong 4th Quarter ng kasalukuyang taon. Ayon sa isang confidential na report, may 315 na armas ang isinuko rin ng mga nagsurender sa Nueva Ecija at 129 naman na armas ang isinuko sa San Fernando Pampanga.

Mula noong October 11, 2006 may walong engkuwentro ang naitala ng AFP laban sa mga teroristang NPA. Umabot din sa 8 NPA ang napaslang at narekober ng militar ang mga bangkay. Kabilang sa mga opisyal ng NPA na naneutralize na ay sina LEOPOLDO CALUZA aka KA AMBO/INO, lider ng ng Central Luzon NPA Regional Operation Command at Secretary ng Nueva Ecija Provincial Committee, at itong si EDWARD CABANERO alyas KA JERRY. Itong si Cabanero ay squad leader ng Platoon Alpha, KLG front-1 ng Nueva Ecija. Siya rin ang naging whistle blower sa sexual harassment na reklamo ng mga NPA Amazons at iba pang pang-aabuso ng kanilang mga lider sa kanilang sariling mga kasamahan.

Samantala, patuloy pa rin ang purging operation sa loob ng CPP-NPA na siyang dahilan sa pagpatay sa mga aktibistang makakaliwa ng sarili nilang mga kasamahan. Ito ay ayon sa isang special report na may titulong : "The truth behind the so- called Political Killings". Ayon sa ulat, NPA hitmen ang pumatay sa isang Manegdeg, manggagawa ng Rural Missionaries of the Philippines noong November 28 noong nakaraang taon sa San Esteban, Ilocos Sur at sa isang Albert Terredano, empleyado ng Department of Agrarian Reform sa Bengued, Abra noong November 29, 2005 naman. Si Menegdeg at Terredano ay may kaugnayan o link sa CPP-NPA. Si Terredano ay may alyas na Diego Wadagan at ang spokesman ng Agustin Begnalen Command. Ito namang si Manegdeg ang nanunungkulan na Secretary ng Urban White Area Committee, Ilocos-Cordillera Regional Committee habang nagtatrabaho sa mga above o legal organizations bilang cover hanggang siya ay mapatay ng mga kasamahang NPA hitmen.


1:32 PM
23Nov 2006
Metro Manila

No comments: